Sa pagtatapos ng pagdiriwang ng Ika-124 na anibersaryo ng sirbisyo sibil ng Pilipinas (124th Civil Service Anniversary) at Family Day Celebration ay nagkaroon ng munting Programa ang LGU Lidlidda sa Pangunguna ng butihing Alkalde, Atty. Sherwin P. Tomas, na kung saan sa umaga ay nagkaroon ng Panayam tungkol sa “Health of Body and Peace of Soul” na ibinahagi ni DR. Madeline Retuta, ang Pangunahing Panauhin sa nasabing programa at pagkilala sa mahabang taon na pagseserbisyo ng mga naunang empleyado ng municipyo. Sa hapon ay nagkaroon ng paligsahan ng mga ibat-ibang talento at Parlor Games na kung saan ay lahat ng mga opisyal at empliyado ay nahati sa apat na grupo.

Ang gobyerno lokal ng Lidlidda ay ipinagdiriwang ang ika-124 na Anibersaryo ng Serbisyo Sibil ng Pilipinas (124th Philippine Civil Service Anniversary) sa buwan ng Setyembre. Kahapon, ika-5 ng Setyembre ay pormal na binukasan ang nasabing pagdiriwang sa pamamagitan ng maikling programa. Nagbigay ng maikling mensahe si Ginoong Samuel S. Sayaan, MPDC. Ibinahagi rin ang mensahe ni Atty. Karlo Nograles, CSC Chairperson, sa pamamagitan ng audio visual na presentasyon. Pagkatapos ng nasabing programa ay isinunod ang Zumba bago umpisahan ang paglalaro ng Volleyball.